______________________________________________________
(pangalan ng unyon)
RESOLUSYON NG PAGSAPI SA BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO
NATIONAL CAPITAL REGION - RIZAL
Resolusyon blg. _______ Serye ng 2012
YAYAMANG, patuloy ang pagdarahop
ng maraming mga manggagawang Pilipino dulot ng halos araw-araw na pagtaas ng
presyo ng mga pangunahing bilihin;
YAYAMANG, ang kakarampot na sahod
ng mga manggagawa ay ipinako ng gobyerno sa halagang P426.00 habang hinahayaan
at malaya ang mga dambuhalang korporasyon ng langis na magtaas ng presyo ng mga
produktong petrolyo anumang oras nito naisin;
YAYAMANG, gayong ang gobyerno
mismo ang nagsabi na dapat ang kita ng isang manggagawa upang mapakain o
mabuhay ng sapat ang kanyang pamilya ay P996.00 kada araw;
YAYAMANG, mababa na nga ang sahod
ay pinalaganap pa ang kontraktuwalisasyon bilang moda ng pag-eempleyo upang
lalo pang pagkaitan ang mga manggagawa ng mga marapat na benipisyo at
proteksyon;
YAYAMANG, klarong ang gobyerno ay
para lamang sa interes ng mga malalaking kapitalista at walang aasahang kalinga
ang mga manggagawa;
YAYAMANG, kailangang magkaisa ang mga manggagawa sa pagtingin at
pag-unawa sa kalagayan at problemang kinakaharap.
YAYAMANG, magagawa natin ang
pagmumulat at pagpapakilos sa ating hanay sa pamamagitan ng pagtataas ng antas
ng ating pampulitikang kamalayan at sa pagsapi sa isang sosyalistang pampulitikang
sentro ng manggagawa;
YAYAMANG, tanging ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
lamang ang may malinaw na pagsusuri at tindig sa kalagayan ng mga manggagawang
Pilipino at nananawagan ng pagkakaisa at pagkilos upang tuluyang wakasan ang pagsasamantala ng
kapitalismo;
YAYAMANG, itatayo ang balangay ng
BMP sa National Capital Region at
lalawigan ng Rizal upang pangunahan
ang pagsusulong ng sosyalistang alternatiba dito mismo sa luklukan ng
kapitalistang sistema sa bansa;
SAMAKATUWID, PINAGTITIBAY NGAYON
TULAD NG PINAGTITIBAY NA;
- Ang pagsapi ng aming unyon sa BMP-NCRR at ang pagdalo ng aming mga delegado sa gaganaping Konggreso ng Pagtatatag nito sa darating na April 21, 2012.
- Ang paglalaan ng pondo buhat sa aming unyon bilang delegate’s fee ng aming mga kinatawan at kontribusyon sa mga gugulin at pangangailangan ng Konggreso.
- Ang pagpapatupad ng full mobilization policy sa lahat ng kasapi ng unyon para sa darating na Mayo Uno upang maging bahagi ng pagsasa-publiko ng pagkakatatag ng BMP-NCRR at nang tradisyunal na paggunita ng pandaigdigang araw ng manggagawa.
Nilagdaan ngayong ika __ ng Abril, 2011 sa pagpupulong ng
unyon dito sa ________________.
PANGALAN POSISYON LAGDA
____________________________ _________________________ ____________________
____________________________ _________________________ ____________________
____________________________ _________________________ ____________________
____________________________ _________________________ ___________________

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento