Lunes, Abril 2, 2012

PAHAYAG NG PAGSAPI BILANG BUKLOD NG BMP


               Bukluran ng Manggagawang Pilipino
      (Solidarity of Filipino Workers)
National Capital Region – Rizal (NCRR)



PAHAYAG NG PAGSAPI BILANG BUKLOD NG BMP

Sapagkat ako, si _____________________________________, ay isang manggagawa.
Sapagkat nabubuhay ako sa pamamagitan ng pagbibenta ng aking lakas-paggawa, kasanayan at talino kapalit ng sahod  at benipisyo;
Sapagkat wala akong pag-aaring kapital: lupain, pagawaan, gusali, mga makina at anupamang kasangkapan sa produksyon;
Sapagkat sa kabila ng mahabang oras at panahong aking inilaan sa pagpapagal sa pagawaan at pinapasukan wala akong katiyakan at proteksyon sa hanapbuhay;
Sapagkat ako, at ang mayorya ng mga katulad ko na nagbabanat ng buto para sa pangangailangan ng buong lipunan ay hindi pinahahalagahan ng pamahalaan;
Sapagkat, ang diumano’y demokrasya ay para lamang sa iilang kapitalista’t mayayaman at hindi para sa manggagawa  at mahihirap na mamamayan; 
Sapagkat, ang katiwalian ng sistemang kapitalista sa lipunan ay dapat nang wakasan at palitan ng isang kaayusang ganap na papawi sa pagsasamantala ng iilan;
Sapagkat ako ay manggagawa, taimtim akong  naniniwalang sa pagsasama-sama ng lahat ng tulad ko sa lipunan makakamit  ang tunay na kaunlaran at hustisya para sa buong bayan;
Sapagkat sa sosyalisado o sama-samang paggawa ng mga katulad ko ay umandar ang mundo ng kapitalistang naghahangad ng walang katapusang tubo;
Sapagkat ako ay manggagawa, likas akong sosyalista sa isip at gawa;
Sapagkat ako’y sosyalista, katungkulan kong makipagkaisa sa mga kauri ko at sumapi sa organisasyong ang mithiin ay ang pagkakaisa ng lahat ng manggagawa;
Sapagkat ako ay sosyalista, aking idini-deklara ang aking pagiging indibidwal na kasapi bilang Buklod ng sosyalistang organisasyon ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP);
Sapagkat ako ay Buklod, tutulong ako na maabot ang mga kapwa ko manggagawa upang maipaunawa ang halaga ng pagkakaisa para sa pagtatayo ng lipunang walang pagsasamantala ng tao sa tao, may pagkakapantay-pantay, tunay na demokrasya at ganap na kaunlaran para sa lahat ng nagpapagal;   
Sapagkat ako ay sosyalistang Buklod ng BMP, lumalagda ako sa pahayag na ito bilang deklarasyon ng aking pakikiisa sa taimtim na adhikain para sa interes ng aking uri, para sa sosyalismo.

PANGALAN:___________________________________ LAGDA: ______________________
ADDRESS: ____________________________________ CONTACT #:___________________
PETSA: __________________________

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento