Lunes, Abril 2, 2012

PAHAYAG NG PAGSAPI BILANG BUKLOD NG BMP

               Bukluran ng Manggagawang Pilipino
      (Solidarity of Filipino Workers)
National Capital Region – Rizal (NCRR)

PAHAYAG NG PAGSAPI BILANG BUKLOD NG BMP

Sapagkat ako, si _____________________________________, ay isang manggagawa.
Sapagkat nabubuhay ako sa pamamagitan ng pagbibenta ng aking lakas-paggawa, kasanayan at talino kapalit ng sahod  at benipisyo;
Sapagkat wala akong pag-aaring kapital: lupain, pagawaan, gusali, mga makina at anupamang kasangkapan sa produksyon;
Sapagkat sa kabila ng mahabang oras at panahong aking inilaan sa pagpapagal sa pagawaan at pinapasukan wala akong katiyakan at proteksyon sa hanapbuhay;
Sapagkat ako, at ang mayorya ng mga katulad ko na nagbabanat ng buto para sa pangangailangan ng buong lipunan ay hindi pinahahalagahan ng pamahalaan;
Sapagkat, ang diumano’y demokrasya ay para lamang sa iilang kapitalista’t mayayaman at hindi para sa manggagawa  at mahihirap na mamamayan; 
Sapagkat, ang katiwalian ng sistemang kapitalista sa lipunan ay dapat nang wakasan at palitan ng isang kaayusang ganap na papawi sa pagsasamantala ng iilan;
Sapagkat ako ay manggagawa, taimtim akong  naniniwalang sa pagsasama-sama ng lahat ng tulad ko sa lipunan makakamit  ang tunay na kaunlaran at hustisya para sa buong bayan;
Sapagkat sa sosyalisado o sama-samang paggawa ng mga katulad ko ay umandar ang mundo ng kapitalistang naghahangad ng walang katapusang tubo;
Sapagkat ako ay manggagawa, likas akong sosyalista sa isip at gawa;
Sapagkat ako’y sosyalista, katungkulan kong makipagkaisa sa mga kauri ko at sumapi sa organisasyong ang mithiin ay ang pagkakaisa ng lahat ng manggagawa;
Sapagkat ako ay sosyalista, aking idini-deklara ang aking pagiging indibidwal na kasapi bilang Buklod ng sosyalistang organisasyon ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP);
Sapagkat ako ay Buklod, tutulong ako na maabot ang mga kapwa ko manggagawa upang maipaunawa ang halaga ng pagkakaisa para sa pagtatayo ng lipunang walang pagsasamantala ng tao sa tao, may pagkakapantay-pantay, tunay na demokrasya at ganap na kaunlaran para sa lahat ng nagpapagal;   
Sapagkat ako ay sosyalistang Buklod ng BMP, lumalagda ako sa pahayag na ito bilang deklarasyon ng aking pakikiisa sa taimtim na adhikain para sa interes ng aking uri, para sa sosyalismo.

PANGALAN:___________________________________ LAGDA: ______________________
ADDRESS: ____________________________________ CONTACT #:___________________
PETSA: __________________________

RESOLUSYON NG PAGSAPI SA BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO NATIONAL CAPITAL REGION - RIZAL

______________________________________________________
(pangalan ng unyon)

RESOLUSYON NG PAGSAPI SA BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO
NATIONAL CAPITAL REGION - RIZAL

Resolusyon blg. _______ Serye ng 2012

YAYAMANG, patuloy ang pagdarahop ng maraming mga manggagawang Pilipino dulot ng halos araw-araw na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin;

YAYAMANG, ang kakarampot na sahod ng mga manggagawa ay ipinako ng gobyerno sa halagang P426.00 habang hinahayaan at malaya ang mga dambuhalang korporasyon ng langis na magtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo anumang oras nito naisin;

YAYAMANG, gayong ang gobyerno mismo ang nagsabi na dapat ang kita ng isang manggagawa upang mapakain o mabuhay ng sapat ang kanyang pamilya ay P996.00 kada araw;

YAYAMANG, mababa na nga ang sahod ay pinalaganap pa ang kontraktuwalisasyon bilang moda ng pag-eempleyo upang lalo pang pagkaitan ang mga manggagawa ng mga marapat na benipisyo at proteksyon; 

YAYAMANG, klarong ang gobyerno ay para lamang sa interes ng mga malalaking kapitalista at walang aasahang kalinga ang mga manggagawa;

YAYAMANG, kailangang  magkaisa ang mga manggagawa sa pagtingin at pag-unawa sa kalagayan at problemang kinakaharap.

YAYAMANG, magagawa natin ang pagmumulat at pagpapakilos sa ating hanay sa pamamagitan ng pagtataas ng antas ng ating pampulitikang kamalayan at sa pagsapi sa isang sosyalistang pampulitikang sentro ng manggagawa;  

YAYAMANG, tanging ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) lamang ang may malinaw na pagsusuri at tindig sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino at nananawagan ng pagkakaisa at pagkilos upang  tuluyang wakasan ang pagsasamantala ng kapitalismo;

YAYAMANG, itatayo ang balangay ng BMP sa National Capital Region at lalawigan ng Rizal upang pangunahan ang pagsusulong ng sosyalistang alternatiba dito mismo sa luklukan ng kapitalistang sistema sa bansa;

SAMAKATUWID, PINAGTITIBAY NGAYON TULAD NG PINAGTITIBAY NA;  

  1. Ang pagsapi ng aming unyon sa BMP-NCRR at ang pagdalo ng aming mga delegado sa gaganaping Konggreso ng Pagtatatag nito sa darating na April 21, 2012.

  1. Ang paglalaan ng pondo buhat sa aming unyon bilang delegate’s fee ng aming mga kinatawan at kontribusyon sa mga gugulin at pangangailangan ng Konggreso.

  1. Ang pagpapatupad ng full mobilization policy sa lahat ng kasapi ng unyon para sa darating na Mayo Uno upang maging bahagi ng pagsasa-publiko ng pagkakatatag ng BMP-NCRR at nang tradisyunal na paggunita ng pandaigdigang araw ng manggagawa.

Nilagdaan ngayong ika __ ng Abril, 2011 sa pagpupulong ng unyon dito sa ________________.

              PANGALAN                                  POSISYON                                        LAGDA

____________________________     _________________________     ____________________

____________________________     _________________________     ____________________

____________________________     _________________________     ____________________

____________________________     _________________________      ___________________